Bago sa mga ad ng ChatGPT? Makakuha ng $500 na ad credit mula sa amin kapag gumastos ka ng $500.

Nag-build ang Jotform ng bagong discovery at acquisition playbook

Ginamit ng Jotform ang ChatGPT Ads para maabot ang mga high-intent audience at maka-acquire ng de-kalidad na users habang nagbi-build sila ng forms, nagko-collect ng leads, at nag-o-automate ng workflows.

Magsimula ngayon
Logo ng Jotform sa orange gradient na background

10%+

ng mga click mula sa ChatGPT Ads ang na-convert sa mga pag-sign up

60%

na mas mababang cost per signup kaysa sa paid social, at 30% na mas mababa kaysa sa paid search

Pakinggan ang article6:00

Nag-e-explore ng bagong channel kung saan nahuhubog ang intent ng workflow

Mula noong 2006, Jotform lumago mula sa isang online form builder at naging AI-powered na workflow automation platform na ginagamit ng mahigit 40 million na tao. May mahigit 20,000 na ready-to-use template ang Jotform, kaya nasusuportahan nito ang maraming iba’t ibang business needs, mula sa lead capture, registration, at mga payment sa mga agreement at approval. Mahalaga sa marketing challenge na maging ganoon kalawak: Hindi lang iisang product category ang ipinapakilala ng Jotform. Tinutulungan nito ang mga tao na maintindihan kung paano bumabagay ang mga produkto nila sa mga workflow na siniskap na nilang i-build, i-automate, at i-improve.

Sa ChatGPT Ads, na-excite ang Jotform sa opportunity na maka-connect sa platform kung saan nagsasagawa na ng mga pang-araw-araw na task at workflow ang mga user. Dalawa ang goal ng team para sa channel: una, i-expand ang brand awareness sa pamamagitan ng pagpapakilala sa Jotform sa mga high-intent audience sa mismong oras na kailangan nilang gumawa ng online form, mag-capture ng mga lead, mag-collect ng payments, mag-request ng e-signature, o mag-automate ng workflow; at pangalawa, mag-acquire ng mga high quality user, magagawa nila ito kung maiko-connect nila sa relevant na produkto ng Jotform ang pangangailangan ng bawat user.

“Binabago ng conversational discovery ang starting point ng paglago. Hindi na namin kailangang hintaying may mag-search ng specific na produkto o keyword ang isang tao. Sa ChatGPT Ads, lumalabas ang Jotform kapag dini-describe ng isang tao ang trabahong kailangan niyang matapos, at direktang siyang inililipat mula sa intent papunta sa working form.”

—Evren Bayraktar, VP of Growth sa Jotform

Nagbi-build ng framework para sa experimentation

Itinuring ng Jotform ang ChatGPT Ads bilang structured experiment at hindi bilang extension ng traditional na advertising playbook nito. Dahil ibang user experience ang nalilikha ng conversational AI kaysa sa traditional na online advertising, gustong malaman ng team kung aling mga use case ang nagre-resonate sa channel at gamitin ang learnings na iyon para mahubog ang strategy nito sa paglipas ng panahon.

In-organize ng Jotform ang mga campaign sa tatlong pangunahing group: mga generic na campaign na nag-introduce sa mas malawak na value proposition ng Jotform, mga brand campaign, at mga use case campaign na na-build para sa mga specific na pangangailangan ng customer, workflow, at mga business scenario.

Binago rin ng team ang campaign strategy habang nagma-mature ang platform. Nagsimula ang Jotform sa mga reach campaign para mag-establish ng initial baseline, nag-shift sila sa mga click campaign nang maging available ang mga ito para mag-drive ng higit na traffic sa site nila, at nitong pinaka-recent, nag-expand sila sa mga conversion campaign para ma-optimize ang mga pag-sign up.

Kasabay nito, sinubukan ng Jotform ang iba't ibang user journey, kabilang ang mga kampanyang nagdala sa mga user sa mga nakalaang landing page at mga karanasang nagbigay-daan sa mga user na gumawa, mag-edit, at magsuri ng mga online form gamit ang Jotform plugin sa ChatGPT. Sa simula pa lang, ang layunin ay bumuo ng nauulit na siklo ng pagsubok, pagsukat, pagkatuto, at pagpapahusay na makatutulong sa paggawa ng mga desisyon sa pag-optimize na may mas matibay na batayan habang umuunlad ang platform.

Application form ng Jotform na makikita sa sample ad
Logo ng JotformJotformAd

Libreng Online Application Form

Gumawa ng libreng application form mo sa ilang minuto lang nang walang coding

Ginagawang gains sa efficiency ang tuloy-tuloy na optimization

Mula nang i-launch ang mga unang campaign nito noong Abril, mahigit 100 optimization na ang ginawa ng Jotform sa mga setting ng campaign, bidding strategy, ad unit, conversion event, messaging, audience delivery, creative, at landing page.

Ilan sa mga pinaka-meaningful na improvement ay nagmula sa mga naka-focus na experiment, kasama na rito ang: pag-optimize sa mga landing page para sa mga use case campaign, na nagpataas sa signup rate nang 2.5x; pag-transition mula sa reach patungo sa mga click campaign, na nagpababa sa cost per click nang 4-5x nang hindi nako-compromise ang acquisition quality; at pag-expand at pag-refine sa ad creative kaya nag-improve nang 65% ang click-through rate.

Makikita na ngayon sa mga conversion signal at cost efficiency ang epekto ng ginawang optimization. Mahigit 10% ng mga click mula sa ChatGPT Ads ang na-convert sa mga pag-sign up, habang ang cost per signup ay mga 30% na mas mababa kaysa sa paid search at 60% na mas mababa kaysa sa paid social. Nakaka-encourage din ang cost results ng channel, kung saan ang cost per click ay kapantay ng paid social at mahigit 40% na mas mababa kaysa sa non-search paid media.

Ipinapakita ng gains na iyon na sa paglipas ng panahon, lumalago ang epekto ng incremental improvements. Halimbawa, tumaas nang 3.4x ang paid traffic nang hindi binabago ang monthly investment. Sa kabuuan, pinatibay ng experience na ito ang paniniwala ng Jotform na ang sustainable growth, madalas, ay nagmumula hindi sa iisang breakthrough lang, kundi sa paggawa ng mga data-informed decision at tuloy-tuloy na pag-improve sa bawat bahagi ng acquisition journey.

“Bukod pa sa gains sa performance, napakaganda ring mag-advertise sa isang cutting-edge platform. Nang mai-align ang Jotform sa ChatGPT, naiposisyon ang brand namin sa pinaka-innovative na space ng tech ngayon.”

—Chad Reid, VP of Marketing sa Jotform

Pinasusulong ang ChatGPT Ads bilang user acquisition channel

Bukod sa mga sukatan o metrics ng performance, mas naintindihan ng Jotform kung paano bumabagay ang ChatGPT Ads sa mas malawak na acquisition strategy nito. Nakatulong sa team ang bawat stage ng journey nila na ma-refine hindi lang ang mga campaign nito, kundi pati ang mga palagay o assumptions nito tungkol sa user intent, relevance ng message, at papel na puwedeng gampanan ng conversational discovery kasama ng mas establish na mga advertising channel. Para sa Jotform, hindi direktang pamalit sa mga channel na iyon ang ChatGPT Ads, kundi isang naiibang environment ito na nagki-create ng mga bagong opportunity para mai-connect ang mga user sa mga relevant solution sa panahong kailangan nila ang mga ito.

Sa hinaharap, plano ng Jotform na patuloy na i-test kung aling mga message, use case, at customer journey ang naghahatid ng mas mahusay na performance sa acquisition, higit na efficiency, at mas malaking customer growth. Nakikita ng team ang ChatGPT Ads bilang exciting na opportunity para matulungan ang mga tao na ma-discover ang tamang produkto ng Jotform kapag kailangan nilang gumawa ng online form, mag-collect ng mga e-signature, mag-automate ng mga approval, o mag-build ng mga multistep workflow.

*Ang mga resulta ng cost per click at cost per signup ay batay sa internal campaign data ng Jotform mula Hulyo 1–31, 2026. Puwedeng mag-iba-iba ang mga resulta.

Mag-advertise sa ChatGPT

Abutin ang mga tao habang nag-e-explore sila ng mga option, nagko-compare ng mga pagpipilian, at nagdedesisyon sa ChatGPT, gamit ang relevant na ads na talagang bagay sa experience.

Magsimula ngayon