Naaabot ng Newegg ang mga PC builder gamit ang mga product feed ad
Naabot ng Newegg ang mga PC builder gamit ang relevant na product feed at mga seasonal campaign sa ChatGPT Ads, at nag-drive ito ng high-quality traffic sa Newegg.com.
Simulan ngayon
3x
return sa nagastos sa ad sa mga campaign sa loob ng 28-day period
7x
return sa nagastos sa ad sa two weeks na Fantastech Sale campaign
I-meet ang mga PC builder sa panahon ng pagdedesisyon
Para sa Newegg, isang online retailer na naka-focus sa computer parts at electronics, parehong mahalaga na maabot ang malawak na audience at ang tamang mamimili. Dahil hindi malaki ang tubo sa electronics business, mina-manage ng marketing team ang budget nito para sa tuwirang goal na magdala ng qualified traffic sa Newegg.com.
Ang pinakamagandang opportunity ay maabot ang mga customer na nag-iisip pa kung ano ang bibilhin nila, anong mga component ang pipiliin nila, at saan sila bibili. Dahil dito kaya nagustuhan ng Newegg ang ChatGPT Ads: isang opportunity ito na ma-consider ng mga PC builder habang nagre-research pa sila at pinag-aaralan ang mga option nila.
“Kapag may nagre-research kung ano ang bibilhin, gusto naming makasama sa usapan ang Newegg. Nakakatulong sa amin ang paglitaw sa ChatGPT para ma-consider sa pagkakataong iyon.”

Acer Aspire Desktop Computer Intel Core i5-14400, Intel UHD Graphics 730, 8GB DDR5, 512 GB PCIe SSD, Windows 11 Home 64-bit - TC-1775-UR11
NeweggPinagsasama ang mga always-on product feed campaign at ang mga seasonal campaign
Pinagsasama ng Newegg ang mga pambuong-taon na product feed campaign at mga seasonal campaign na dinisenyo para sa mga panahong mataas ang demand. Para makagawa ng product feed campaign, ina-upload ng team ang product feed nito sa Ads Manager, na automatic na nagge-generate ng mga ad para sa mga product na dine-designate ng team. Para sa Newegg, ang value ay nasa pagiging specific. Hindi lang electronics ang hinahanap ng mga nagbi-build ng PC—nagre-research sila ng mga partikular na product, component, at mga technical requirement. Nakakatulong ang mga product feed ad para ma-meet ng Newegg ang layuning iyon gamit ang mga ad na iniha-highlight ang specific na product details at specifications na hinahanap ng mga bumibili.
“Madalas, napaka-specific ng hinahanap ng mga customer namin. Natutulungan kami ng mga product feed ad na maipakita sa kanila ang mga tamang component habang nire-research nila ang susunod nilang ibi-build.”
Bukod sa pambuong-taong feed nito, nagra-run ang Newegg ng mga standard na CPC campaign para sa mga seasonal event, kasama na rito ang ang Fantastech Sale nito. Para ma-capture ang demand, sine-set up ng team ang mga campaign na ito kapag nagre-research ng mga deal ang mga mamimili at naghahandang bumili. Dahil sa pag-i-invest nang higit pa sa ganitong mga panahon, nasusulit ng Newegg ang budget nito sa marketing habang tuloy-tuloy na nakikita ng mga PC builder ang presence nito.
High-quality website traffic naghahatid ng magagandang resulta
Sa mga campaign nito, nakapag-record ang Newegg ng 3x na return sa nagastos sa ad sa loob ng 28 days. Isa sa pinakamagagandang resulta nito ay noong Fantastech Sale, isa sa major annual retail event nito: naghatid ang two weeks na campaign na ito ng 7x na return sa nagastos sa ad. Para sa Newegg, pinatutunayan ng mga resultang ito na effective ang strategy nito na pagsamahin ang mga pambuong-taong campaign at mga seasonal campaign, at palawakin ang investment sa mga panahong mataas ang demand. Kumpara sa ibang channel, nakita ng Newegg na ang mga visitor na ni-refer mula sa ChatGPT ay mas malamang na ma-convert at bumili. Para sa team, talagang nakaka-encourage ito dahil direktang nakakatulong ito sa pangunahing marketing goal ng Newegg: maghatid ng high-quality at relevant traffic sa Newegg.com.
Pinalalakas ang nasimulang momentum gamit ang mga conversion-optimized campaign
Sa hinaharap, plano ng Newegg na i-test ang mga conversion-optimized cost-per-click (oCPC) campaign at patuloy na i-refine ang approach nito sa tulong ng account team ng OpenAI. Ang goal ay palakasin ang mga unang resultang ito sa pamamagitan ng pagda-drive ng higit pang downstream conversion habang patuloy na inaabot ang mga PC builder gamit ang mga relevant na product sa mga panahong bibili sila.